Janella ’di na maitago ang relasyon kay Markus

October 02, 2019
Janella Salvador
Janella Salvador

HINDI na maitatago ni Janella Salvador ang kanyang relasyon sa Fil-Brit singer-actor na si Markus Paterson dahil madalas na makita ang dalawa na magkasama.

After her failed relationship with singer-actor Elmo Magalona and an aborted relationship with Marco Gumabao, mukhang si Markus ngayon ang pinakamalapit na guy sa kanyang puso.

Mukhang malalim na rin ang relasyon nina Janella at Markus dahil dumayo pa ang dalaga ni Janine Desiderio at “The Killer Bride” star sa Pangasinan sa birthday ng Filipina mother ni Markus.  Magkasama rin ang dalawa sa birthday dinner ng dad ni Janella, ang veteran singer-musician  na si Juan Miguel Salvador nung nakaraang Linggo, September 28.

Dahil kay Markus, malabong ma-link si Janella sa kanyang “ The Killer Bride” co-actor na si Joshua Garcia, ex-boyfriend ni Julia Barretto na nagkataong close friend ni Janella.