Janella at Liza ayaw makisawsaw sa isyu ni Julia

August 13, 2019
 Liza Soberano and Janella Salvador
Liza Soberano and Janella Salvador

BATCHMATES at magkakaibigan sina Julia Barretto, Janella Salvador at Liza Soberano pero never na nakisawsaw ang dalawa sa recent issue ni Julia involving her in a controversy with Bea Alonzo and Gerald Anderson.

Nag-reach out lang si Janella kay Julia bilang kaibigan, tulad ng pagdamay ng ex-boyfriend ni Julia (of three years) na si Joshua Garcia na umaming nasasaktan  pa rin para sa dating kasintahan sa kinakaharap nitong kontrobersiya.

Four months na umano silang break ni Julia at nasa `best friends’ status sila ngayon.

Magkatambal naman ngayon sina Joshua at Janella sa bagong simulang primetime TV series, ang “The Killer Bride” kung saan din tampok sina Maja Salvador at Geoff Eigenmann.  In the course of the TV series, hindi rin malayong magka-debelopan sina Joshua at Janella na parehong single ngayon.