Janine, ’di makapag-guest sa serye ni Nora

January 26, 2019
Janine Gutierrez

Okay lang kay Janine Gutierrez kung mag-aasawa ulit ang daddy niyang si Ramon Christopher Gutierrez at makahanap na rin ng babaing para sa kanya tulad ng mommy niyang si Lotlot de Leon na kakakasal lang.

Pero, ani Janine, ang sabi ng papa niya ay wala na  itong balak magpakasal.

But siyempre, hindi pa rin daw natin masabi.

Nilinaw niya rin ’yung issue na na-link si Monching kay Tina Paner. Aniya, marahil dahil lang iyon sa show ng mga ito sa ibang bansa.

“Pero wala pa kasi siyang ipinakilala ever since na girlfriend, eh. Parang happy na lang siya and abala na lang siya sa amin siguro.”

Pero kung magkakaroon si Monching ng girlfriend, okay lang ba?

“Okay lang,” ang pahayag ng bida ng pelikulang Elise ng Regal Entertainment na showing na sa Feb. 6.

Samantala, natanong din namin si Janine tungkol sa hindi pagdalo ng lola niyang si Nora Aunor sa kasal ng mommy niya.

Aniya, hindi rin niya in-expect na darating ito.

Pero aminado siyang mas masaya sana kung naroon ang lola niya sa importanteng okasyon na ’yun. Tutal, invited naman daw ito.

“She was invited, siyempre. Siyempre invited siya, mama siya ni mama. Pero I don’t know what happened. Siguro, busy. May teleserye, siyempre. So, naintindihan naman po namin,” ani Janine.

Ang Onanay sa GMA-7 ang teleserye ni Ate Guy ngayon na pinagbibidahan ni Jo Berry.

Natanong nga rin si Janine kung okay lang ba sa kanya na mag-guest sa nasabing serye.

“Okay po, kaya lang may sisimulan na rin po ako na show, eh,” natatawa niyang sey. “So, hindi na rin ako makakapag-guest.”