Home>Entertainment>Showbiz>Janine iniwan si Rayver sa GMA

Janine iniwan si Rayver sa GMA

Janine Gutierrez

WALONG taon ding naging contract star ng GMA ang singer-actress na si Janine Gutierrez (31), panganay sa apat na anak ng estranged couple na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher (Monching Gutierrez), panganay na apo ng superstar na si Nora Aunor at Christopher de Leon, Grandparents din niya ang tinaguriang Asia’s Queen of Song na si Pilita Corrales at dating Sampaguita matinee idol na si Eddie Gutierrez. Sa madaling salita, si Janine ay nagmula sa isang showbiz royal family.

Janine Gutierrez and Rayver Cruz
Janine Gutierrez and Rayver Cruz

Bago pa man nag-join sa showbiz si Janine ay tinupad niya ang kanyang pangako sa kanyang parents na tatapusin muna niya ang kanyang pag-aaral. Siya’y nagtapos ng European Studies sa Ateneo de Manila University and in 2012 ay saka siya pumasok sa showbiz.

Si Janine ay may tatlong younger siblings na sina Jessica, Diego at Maxine. Bukod kay Janine ay nag-join na rin sa showbiz ang kaisa-isa niyang brother na si Diego at iisa ang kanilang talent manager and their mom na si Lotlot, si Leo Dominguez.

First TV project ni Janine sa Kapuso Network ang “My Beloved” TV series na pinagbidahan ng mag-asawa na ngayon na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na dinirek ni Dominic Zapata. Kasunod na rito ang “More Than Words” na pinagbidahan nila ng kanyang ex-boyfriend na ngayon na si Elmo Magalona in 2014.

Kung kelan unti-unti nang tinanggap ng fans ang tambalan nina Janine at Elmo ay saka naman sila nagkahiwalay at kasunod na rito ang paglipat ng binata ng yumaong Pinoy King of Rap na si Francis `Kiko’ Magalona sa bakuran ng ABS-CBN in November 2015. Gayunpaman, nanatili ang young singer-actress sa bakuran ng Kapuso Network kung saan naging sunud-sunod ang kanyang TV assignments tulad ng “Dangwa,” “Little Nanay,” “Once Again,” “Encantadia,” “Legally Blind,” “Sherlock, Jr.,” “Victor Magtanggol” at ang “Dragon Lady,” her last TV series with the network.

It was in November 2020 nang mag-expite ang kontrata ni Janine sa GMA and the following month ay naglabasan ang mga espekulasyon na nakatakda umano siyang lumipat ng ABS-CBN. This was eventually confirmed nang lumagda siya ng exclusive contract with the Kapamilya network last January 15, 2021 in the presence of ABS-CBN’s big bosses, Chairman Mark Lopez, president & CEO Carlo Katigbak, Chief Operation Officer Cory Vidanes at iba pa. Naroon din ang head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal at manager ni Janine na si Leo Dominguez.

Inaasahan na ang Dreamscape Entertainment ang magpu-produce ng unang TV series na gagawin ni Janine sa bakuran ng Kapamilya network.

Ngayong nasa iisang TV network (muli) ang dating magkasintahang Janine at Elmo Magalona, posible kayang magkatrabahong muli ang dating magkasintahan?

Samantala, ang ironic dito, ang boyfriend ni Janine, ang singer-actor-host na si Rayver Cruz ay 11 years naging Kapamilya singer-actor-dancer nang mag-desisyon itong lumipat sa Kapuso network in November 2018 at posible na sana silang magtambal sa isang TV series ni Janine pero ito naman ang umalis ng GMA para maging Kapamilya. Kaya ang inaasahang pagtatambal ng dalawa sa bakuran ng GMA ay hindi na posible, except maybe sa pelikula. Pero sa kabila nito ay nananatiling very supportive si Rayver sa career move ng kanyang kasintahan.

Alex ginulat ang netizens sa pagpapakasal kay Mikee

Alex Gonzaga and Mikee Morada
Alex Gonzaga and Mikee Morada
Alex Gonzaga and Mikee Morada
Paul Soriano, Toni Gonzaga, Alex Gonzaga and Mikee Morada

MAGKAHIWALAY na nag-post sa kanilang respective Instagram account ang magkapatid na sina Toni at Alex Gonzaga na may kinalaman sa pagpapakasal ng huli sa kanyang fiancé na si Mikee Morada.

Dapat sana’y nung isang taon pa dapat ikakasal sina Alex at Mikee after getting engaged nung December 27, 2019 sa Hong Kong pero ito’y naurong to a later date dahil sa pandemya. Pero nanggulat ang dalawa nang i-announce ni Alex that she’s now married to Mikee.

“Netizens, we are married!” post ni Alex sa kanyang IG.

Maging si Toni ay winelkam si Mikee sa kanilang pamilya via her Instagram post..

“Congratulations Mikee and Cat! Seve has a new tito! Yey! Welcome to our family.”

Ngayong pareho nang may-asawa ang magkapatid na Toni at Alex, maiiwan sa kanilang huge Taytay residence ang kanilang parents na sina Bonoy at Pinty.

Subscribe, like and share “TicTalk with Aster Aster” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook:@asterAmoyo and Twitter:@aster_amoyo

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger