Janine at Rayver, sumabak sa "Can't Say No" challenge

July 07, 2020
Rayver Cruz and Janine Gutierrez
Rayver Cruz and Janine Gutierrez

HINDI inurungan ng actor na si Rayver Cruz ang inihandang challenge para sa kanya ng girlfriend na si Janine Gutierrez. Sa latest vlog ng aktres, ginawa nila ang "Rayver Can't Say No Challenge."

Game na game si Rayver sa mga pinagawa ni Janine katulad ng paliguan ang kanyang pet dog, ipagluto siya ng dumplings, ipagbukas siya ng butong pakwan at iba pa.

May isa nga lang challenge na mukhang nahirapan talaga si Rayver at ito ang pagbura ng Mobile Legends app sa kanyang phone. Sobrang hilig pa naman ng aktor ang paglalaro nito!

Willing kaya niyang gawin ito para kay Janine? Alamin sa full video sa YouTube channel ng aktres.