Janine sa Paris nag-birthday kasama si Rayver

October 04, 2019

MEMORABLE para sa Kapuso singer-actress na si Janine Gutierrez ang kanyang ika-30th birthday dahil sinelebryt niya ito sa City of Lights (Paris) kasama ang kanyang boyfriend na si Rayver Cruz.

Isa umano ang Paris sa bucket list ni Janine at hindi niya akalain na makakarating siya sa nasabing  lugar na kasama pa ang `love of my life” niya na si Rayver.

Hindi malinaw kung kasama na ni Janine si Rayver nang ito’y dumalo sa Paris Fashion Week na dinaluhan din ng fashion plate na Kapuso singer-actress-painter na si Heart Evangelista o sumunod na lamang sa Paris ang snger-actor-dancer.

Napuntahan nina Janine at Rayver ang mga famous spot ng Paris at kasama na rito ang Chateau de Versailles.

Nataon naman na parehong free ngayon ang magkasintahan dahil nagtapos na ang “Dragon Lady” ni Janine at sumunod dito ang “Asawa Ko, Karibal Ko” TV series ni Rayver.

Samantala, tiyak na may special participation sina Janine at Rayver sa nalalapit na pag-iisang dibdib ng elder brother ni Rayver na si Rodjun Cruz at fiancée nitong actress-TV host na si Dianne Medina sa darating na December 21 sa Manila Cathedral.  Sigurado ring kasama sa wedding entourage ang pinsan ni Diane, ang dating beauty queen-model-turned actress na si Maxine Medina.