Janine sa tumataas na kaso ng COVID-19: Mahirap pa mag-shoot

May 23, 2020
Janine Gutierrez

Naniniwala si Kapuso actress Janine Gutierrez na health ang dapat top priority sa panahon ngayon kung kailan lumalaganap ang nakakabahalang sakit na COVID-19.

Pag-amin ni Janine sa eksklusibong panayam ng Kapuso Network, ilang mga pelikula niya ang naapektuhan ng ipinatupad na enhanced community quarantine at isa na rito ang sasali sana sa isang international film festival.

Naka-schedule sanang opening day noong April 11 ang kanyang pelikula kasama si Paolo Avelino na pinamagatang “Ngayon Kaya” na kalahok sa summer film festival.

Bukod sa cancelled trips niya sa Japan at Bangkok pati na rin ang mga naantalang taping, mas nangingibabaw kay Janine ang pagbibigay importansya hindi lang sa kanyang kalusugan kung hindi ng lahat ng nakakasalamuha.

“Cases are still rising, 'di ba? So parang mahirap pa mag-shoot, eh. We don't know yet kung anong magiging precautions ng network or ng production companies," pahayag niya.

Kasalukuyan namang inaayos na ang guidelines sa muling pagbabalik ng produksiyon ng telebisyon at pelikula sa ilalim ng tinatawag na “new normal” dulot ng kinakaharap na pandemya.