Janine, umaming naging tanga sa pag-ibig

January 30, 2019
Janine Gutierrez

INILABAS muli ni Janine Gutierrez ang isang throwback picture sa kanyang Instagram na seksing-seksi ang porma niya sa suot na swimsuit.

Pero hindi ang kurbada ng katawan ang gusto niyang maging sentro ng followers niya kundi ang kulay green na kapaligiran sa pool na location ng shoot niya.

Layunin ni Janine na mapanatiling kulay berde  ang buong bansa kaya nagbigay siya ng ilang tips kung paano mami-maintain ang kulay ng mga halaman at puno para sa susunod na henerasyon.

“I’ve learned that this daunting task really starts with simple steps -- reuse, shop consciously, dispose of your trash properly, and say no to single use plastics. The biggest gift that we can give to our future generation is to leave this place better than we found it,” caption ni Janine.

Isa si Janine sa mga artistang concerned sa environment kahit na nga loaded din siya sa showbiz career.

Mapapanood siya sa upcoming Regal movie na Elise kapareha si Enchong Dee at showing sa Feb. 6.

Sa chikahan sa Kapuso artist kahapon, wala naman daw similarities ang character niya sa movie sa personal niyang ugali.

“May moment kasi sa buhay ni Elise na meron siyang boyfriend na hindi pala okay. Siyempre, dumaan naman sa buhay natin na tanga-tangahan tayo sa pag-ibig, medyo mapasaway so naka-relate ako roon. Saka lang niya mari-realize na meron palang mas okay sa kanya,” rason ni Janine.

Ilang beses na ba siyang naging tanga sa pag-ibig?

“Siguro mga twice. Actually, parang once lang ang matindi!” bulalas ng Kapuso actress.