Home>Entertainment>Showbiz>Janine wrong timing ang paglipat?

Janine wrong timing ang paglipat?

Janine Gutierrez
Janine Gutierrez

KALAT na ang balita tungkol sa paglipat ni Janine Gutierrez sa ABS-CBN.

Nagsimula ito sa blind item hanggang tuluyan nang pinangalanan kung sino ang Kapuso star na magiging Kapamilya ngayong Bagong Taon. Bagaman wala pang confirmation o formal announcement ng ABS-CBN sa paglipat ng young actress, mukhang “done deal” na ito. Una, balitang hindi ito nag-renew ng contract sa GMA network. Pangalawa, may teleserye na raw na nakaabang para kay Janine.

Sa career move na ito ng aktres, malaking palaisipan para sa marami kung bakit niya naisipan na lumipat sa network na natanggalan ng prangkisa. Ika nga, wrong timing ito. Pero sa personalidad ni Janine, hindi na ito kakaiba. Dahil kilala ang aktres sa pagiging palaban. Matalino at outspoken si Janine; kaya siguradong pinag-isipan niya ito nang mabuti. Alam niya kung ano ang pinapasukan niyang laban, gaya ng mga prinsipyo at paniniwala na kanyang ipinaglalaban.

She loves challenges. Kaya artistic excellence ang tiyak na isa sa kanyang dahilan kung bakit niya gustong maging Kapamilya. Marami kasing magagaling na artista sa Kapamilya. At aminin o hindi, mahusay ang creative think tanks ng ABS-CBN. Kaya bawat project nito, mainit na tinatangkilik at pinag-uusapan ng mga Pilipino sa bawat panig ng mundo.

Sa kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN at uncertainties sa buhay ngayong panahon ng pandemya, ano nga ba talaga ang dahilan sa desisyon na ito ni Janine? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com

Publication Source :    People's Journal

One thought on “Janine wrong timing ang paglipat?

Comments are closed.