Home>Entertainment>Showbiz>Janno at Kitkat may advance birthday gift

Janno at Kitkat may advance birthday gift

Happy Time
Janno Gibbs, Kitkat and Anjo Yllana

ADVANCE birthday gift para kina Janno Gibbs at Kitkat ang kanilang bagong noontime program sa Net25, ang “Happy Time” na nakatakdang mapanood araw-araw from 12:00 noon to 2 p.m. simula sa September 14, 2020, araw ng Lunes.

Ang singer-composer, comedian-TV host na si Janno is turning 51 on September 16 habang magti-36 years old naman ang singer-comedienne na si Kitkat.

Makakasama nila sa show si Anjo Yllana na personal na nagpaalam sa pamunuan at mga kasamahan niya sa “Eat Bulaga” na kinabilangan niya ng maraming taon. Dahil sa pandemya, isa siya sa nawalan ng trabaho sa nasabing programa kung saan hindi lahat ng Dabarkads (hosts) ay nakakapag-participate.

Para kay Anjo, blessing ang dumating na offer ng Net25 para sa kanila nina Janno at Kitkat na pare-pareho ring jobless dahil sa pandemya.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)