Japan-based singer actor gustong makasama si Morissette

January 30, 2020

ANG Japan-based Korean singer-actor na si Jang Hogyo ay nakatakdang magtanghal sa Music Museum sa darating na February 20 (Thursday) at 8 p.m. na pinamagatang “Jang Hogyo Live!” at nakatakdang idirek ni Andrew de Real.  Makakasama ni Jang as special guest performers ang Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Kyline Alcantara at ang Sexbomb Dancers kasama  ang Pinay  band vocalist na si Shakaina Valdehueza na naging 3rd placer sa Migrants Arirang Multi-Cultural Festival (MAMF) na ginanap sa Changwon,  South Korea nung taong 2017 at ang Fil-Jap member ng Dance Vocal Unit in Okayama, Japan at consistent performer sa Okayayama Music Festival mula nung 2017 hanggang 2019 na si Yoowi Nakamura.

Jang has been in the Philippines four times at hindi nito ikinakaila na in-love umano siya sa ating bansa laluna ang pagiging warm and hospitable ng mga Filipino.  Gusto rin umano niyang mapalapit sa Pinoy fans kung kaya’y magtatanghal siya rito for the very first time.

Taong 2018 nang magsimula si Jang sa kanyang live regular guest performance sa Shiga Biwa Broadcasting Company in Japan at nung nakaraang taon, 2019 ay naging guest-performer din siya sa biggest K-Pop and K-Con event in Japan.  It was in the same year na siya’y nanalo ng Rookie Award for Korean Culture.  Last year din siya nagsimulang maging celebrity model ng Katsura Yumi Fashion Show.  

Nakalabas na rin in Japan ang kanyang songs and music videos ng “2Nite” at “I Love You”.

Hindi rin niya ikinakaila ni Jang  na sobra siyang hanga sa Filipina singer-performer na si Morissette Amon na gusto niyang makilala in person at makasama sa pagtatanghal.

“I know that there are a lot of beautiful singer-performers and actresses in the Philippines.  I hope to meet some of them,” pahayag ni Jang using a Filipina interpreter na si Lovely.

Bukas din si Jang na pasukin ang acting either in Japan, Korea or the Philippines.