JC may dahilan kung bakit di niligiwan si Bela

January 17, 2020

SA presscon ng “Of Vodka, Beers and Regrets,” hindi ikinaila ng singer-actor na si JC Santos nang itanong namin sa kanya kung nagkaroon ba siya ng attraction sa kanyang perennial screen partner na si Bela Padilla. Pero hindi umano ito nauwi sa ligawan dahil ayaw umano niyang mabago ang kanilang pagiging magkaibigan at co-workers.

Hindi ikinakaila pareho nina Bela at JC na sobra na umano silang kumportable sa isa’t isa dahil tatlong beses na silang nagsama bilang lead actors sa pelikula na sinimulan nila in 2017 sa hit movie na “100 Tula Para Kay Estela” mula sa panulat at direksiyon ni Jason Laxamana at nanguna sa mga pelikulang kalahok sa 1st Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).  Nag-hit din ang kanilang pangalawang team-up in another PPP movie, ang “The Day After Valentine’s” in 2018 na sinulat at dinirek din ni Jason Paul Laxamana.

Inamin din ni JC na kahit tatlong beses na silang nagkatrabaho ni Bela sa pelikula ay marami pa rin umano silang discoveries sa isa’t isa.

Maihahalintulad sina Bela at JC kina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo maging sina Vilma Santos at Christopher de Leon na naging magka-leam sa maraming pelikula pero never naging sila.

Ang “Of Vodka, Beers and Regrets” ay magsisilbing pre-Valentine offering ng Viva Films na nakatakdang matunghayan on February 5, 2020 sa mga sinehan nationwide.