JC may panahon para sa first baby

March 25, 2020

IT was only last March 23 (Monday) nang unang i-share ng singer-actor na si JC Santos sa kanyang Instragram account na lumabas na ang kanyang first born na si River Altheia sa kanyang non-showbiz wife na si Shyleena Herrera, ang kanyang high school crush na nambasted umano sa kanya.

The couple got married in September last year when Shyleena was already pregnant with their first baby.  

Si JC ay nagtapos ng Theater Arts sa University of the Philippines at nagsimula ang kanyang acting career on stage sa Dulaang U.P.  Sandali rin siyang nagtrabaho sa Hong Kong Disneyland at Universal Studios in Singapore bilang singer at dancer.  Pero huminto siya nang siya’y magtungo ng New York City, USA para mag-aral ng musical theater at the Circle in the Square Theatre School.  Pero sa kalagitnaan pa lamang ng taon ay bumalik siya ng Pilipinas upang ipagpatuloy ang kanyang acting career.

Bukod sa teatro, si JC ay nakakasama na noon sa ilang TV series ng Kamapamilya network tulad ng “Mundo Mo’y Akin” in 2013 na sinundan ng “Flordeliza,” “Tubig at Langis” at “Single/Single” in 2014 pero nakilala siya nang husto nang siya’y mapabilang sa primetime TV series na “`Till I Met You” na tinampukan nina James Reid at Nadine Lustre bilang third wheel at kasunod na rito ang kanyang months long-stint sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.  Magmula noon ay naging sunud-sunod na ang mga TV and movie assignments ni JC bilang lead actor.  Nag-click din ang kanilang tambalan ni Bela Padilla na kanilang sinimulan sa magkasunod na Pista ng Pelikulang Pililipino (PPP) entries na “100 Tula Para Kay Estela” in 2017 at “The Day After Valentine" na parehong sinulat at dinirek ni Jason Paul Laxamana under Viva Films.  Ang dalawa ay huling nagtambal sa hit movie na “On Vodka, Beers and Regrets” na dinirek ni Irene Villamor under Viva Films.  Nakatakda ring gawain nina Bela at JC ang part 2 na “100 Tula Para Kay Estela” na pamamahalaan pa rin ni Direk Jason Paul Laxamana.

Samantala, dahil sa lockdown, mas may oras ngayon si JC to bond with his wife at their baby.