Jennylyn Mercado ibinida ang bagong hairstyle ng anak

May 29, 2020
Alex Jazz

ISANG proud mommy ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa kaniyang unico hijo na si Alex Jazz. Sa Instagram post ng aktres, ipinakita niya ang quarantine hairstyle ng anak at lutang na lutang ang kagwapuhan nito.

Pati ang mga kapwa Kapuso stars niyang sina Yasmien Kurdi at Ana Barro ay natuwa sa magandang pagkakakuha ni Jennylyn ng litrato ni Jazz habang nagpapalipas ng oras sa kanilang balcony.

Dahil sa lockdown at pansamantalang pagtigil muna ng taping ng Philippine adaptation ng pinagbibidahang 'Descendants of the Sun,' mas marami ngayong oras si Jennylyn para makasama at makipag-bonding sa anak niya.