Jennylyn, nag-Italy kasama ang mommy ni Dennis

December 17, 2018
Jennylyn Mercado

Bumiyahe pa-Italy si Jennylyn Mercado kasama ang mother ni Dennis Trillo, may iba pa sigurong kasama ang future magbiyenan, hindi lang nakita sa IG story ni Jennylyn.

Hindi nabanggit kung hanggang kailan sa Italy ang dalawa, siguro naman, bago mag-Pasko, nakabalik na sila dahil malulungkot si Dennis Trillo.

Hindi kasi nakasama si Dennis sa bakasyon ng mom niya at ni Jennylyn dahil busy sa promo ng MMFF entry ng Regal Entertainment na One Great Love at nagti-taping pa ng action drama series ng GMA-7 na Cain at Abel.

Sa parte ni Jennylyn, magandang nagbakasyon muna siya bago nila simulan ni Gabby Concepcion ang show ng GMA-7 na kanilang pagtatambalan na may title na Luv U 2.

Wala pang detalye sa show, gaya ng kung sino ang director, pero nakita namin sa photo sa storycon sina Sheena Halili, Shaira Diaz at si Kiray.

Ibig sabihin, lumipat na sa GMA-7 si Kiray.