Jennylyn, nagkukumahog mag-training

January 14, 2019
Jennylyn Mercado

Napaaga ang training ni Jennylyn Mercado para sa sasalihang marathon dahil sa Hokkaido Marathon na siya sasali na naka-schedule sa August. Dapat sa Berlin Marathon siya sasali na naka-schedule sa November, pero na-late siya sa registration at hindi na nakasali.

Kaya triple tiyak ang sipag ni Jennylyn sa training at workout dahil ilang buwan na lang at bibiyahe na siya sa Sapporo, Hokkaido, kung saan gagawin ang marathon.

Sasamahan siya ni Dennis Trillo dahil alam na importante kay Jennylyn ang maka-experience sumali sa marathon at kasama nga sa bucket list niya ito.

Gagawin ni Jennylyn sa GMA-7 ang rom-com series nila ni Gabby Concepcion na Love You Two at may gagawing dalawang pelikula kabilang ang Keepers ng Reality Entertainment.

Tiyak na aayusin niya ang kanyang schedule para kahit busy, matuloy pa rin ang kanyang training.