Jennylyn nagpagawa ng special room para sa kanila ni Dennis

May 20, 2019
Jennylyn Mercado

BILANG celebration ng kaniyang 32nd birthday nitong May 15, ni-launch na ng Ultimate Star na si Jennylyn Mercado ang kanyang official YouTube channel. Sa first uploaded vlog ng Love You Two leading lady na pinamagatang “Hello YouTube!,” ibinida ni Jennylyn ang bongga at magarang music room nila ng Kapuso Drama King at longtime boyfriend na si Dennis Trillo. “CoLove” ang tawag ni Jennylyn sa segment nila dahil ito raw ay collaboration with her love.

Ang well-equipped studio na kumpleto sa decorations at musical instruments ay pinaghirapan at pinagtulungan daw nilang mabuo. Aniya, “Pinaghandaan talaga namin itong room na ‘to. Itong music room na’to ay talagang plinano namin ni Dennis. Excited kaming dalawa kasi kami lang talaga ‘yung nag-ayos nito.”

Marami raw iimbitahin si Jennylyn at Dennis na mga guest para maki-jamming kasama sila.

Samantala, consistent winner sa ratings ang GMA Telebabad series ni Jen na Love You Two kung saan kasama niya sina Gabby Concepcion at Shaira Diaz.