Jennylyn at tunay na ina, nagkaayos

January 16, 2019
Jennylyn Mercado
Jennylyn Mercado with biological mom

Makikita sa IG story ni Jennylyn Mercado ang litrato nila ng kanyang biological mom at may caption na, “Safe flight Mom.”

Sa isa pang post, makikita si Jennylyn kasama ang half-sister niya na, obviously, kasabay dumating sa bansa ng kanyang ina.

Maganda ang mom ni Jennylyn na nakilala na rin ni Dennis Trillo at ng pamilya nito dahil kasama ang mom ni Jennylyn sa birthday treat ng ama ni Dennis.

Sa naalala naming kwento dati ni Jennylyn, matagal silang hindi okay ng kanyang ina. Paano kaya sila nagkaroon uli ng komunikasyon at sino ang unang gumawa ng paraan para sila’y magkasundo?

Samantala, isa si Jennylyn sa mga gusto ng Kapuso viewers na gumanap sa role ni Song Hye-kyo sa Philippine adaptation ng Descendants of the Sun na gagawin ng GMA-7.

Napili na nga ng Kapuso viewers ang bagay na makapareha ni Jennylyn at gumanap naman sa role na ginampanan ni Song Joong-ki.

Babagay daw sa role ni Big Boss at makakapareha ni Dr. Kang (Song Hye-kyo) either si Dennis o si Dingdong Dantes na hindi pa pala nakatrabaho ni Jennylyn.

Isa ang announcement ng network sa magiging cast ng DOTS sa mga hinihintay ng Kapuso fans.

Pero matagal-tagal pa ang ipaghihintay nila dahil pinag-aaralang mabuti kung sino ang babagay sa cast ng Philippine adaptation.