Jessy inaming muntik nang magpakamatay

December 05, 2018
Jessy Mendiola
Jessy Mendiola

ONLINE bashing can cause depression at isa itong seryosong bagay na dapat ma-address bago maging huli ang lahat. Ang iba sa mga biktima would resort to suicide.  Ang bagay na ito ay naranasan din ng 26-year-old Kapamilya actress at kasintahan ng TV host-actor na si Luis Manzano na si Jessy Mendiola na naging biktima ng sunud-sunod na bashing na sobrang nakaapekto sa kanya.

During the presscon ng kanyang upcoming Metro Manila Film Festival movie with Jericho Rosales, ang “The Girl In the Orange Dress” na dinirek ni Jay Abello under Quantum Films, Star Cinema at MJM Productions, inamin ng actress na tinangka niya noon na wakasan na rin ang kanyang buhay. Hindi na umano niya makayanan ang pressure ng sunud-sunod na pamba-bash sa kanya.  May pagkakataon ding gusto na rin niyang talikuran ang showbiz at ipagpatuloy na lamang ang pag-aaral.  Pero dahil sa strong support ng kanyang nobyong si Luis at ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan, na-overcome ni Jessy and depression.

Thankful din si Jessy kay Atty. Joji Alonzo (producer ng pelikula), kay Direk Jay (Abello) at sa kanyang leading man na si Jericho (Rosales) na ipinaglaban umano siya sa pelikulang “The Girl in the Orange Dress”.

“My purpose ang Diyos kung bakit hanggang ngayon ay narito pa rin ako (sa showbiz),” emotional na pahayag ni Jessy.

Isa umano si Luis sa magagandang blessings na dumating sa kanyang buhay.

Samantala, may special participation si Luis sa pelikulang “The Girl in the Orange Dress” ganundin sina Derek Ramsay, Jennylyn Mercado at iba pa.