Jessy, muntik mag-quit sa showbiz

December 04, 2018
Jessy Mendiola & Jericho Rosales

Naging emosyonal si Jessy Mendiola kahapon sa grand presscon ng The Girl in the Orange Dress, ang pelikula nila ni Jericho Rosales na entry sa Metro Manila Film Festival 2018 ng Quantum Films.

Naiyak ang aktres dahil sobrang thankful siya na dumating ang pelikulang ito at a time na gusto na niyang tumigil sa pag-aartista.

“Sobrang sakto po ’yung timing ng movie na ito, pati ’yung role, kasi sobrang ready na po akong tumigil,” ani Jessy.

Pakiramdam daw niya, hindi talaga para sa kanya ang show business dahil sa lahat ng negativity na nangyari for the past two years.

“Parang pakiramdam ko, baka hindi ito, so ’yun, nag-decide ako na umalis or mag-give-up. Pero, ’yun, as in right timing siya (the movie), siguro a few weeks after na nag-decide ako, biglang dumating ’yung project sa akin,” she said.

Bago raw siya nagdesisyon, kinonsulta muna niya  ang lahat ng dapat konsultahin, pati na ang boyfriend na si Luis Manzano.

“Tinatanong ko po silang lahat, sine-share ko sa kanila ang saloobin ko about showbiz, about ’yung siyempre, ’yung sa social media, malala na, ’yung mga negativity, saka mga basher.

“Hindi ko pwedeng i-deny na hindi ako naapektuhan,” pahayag ni Jessy.

Naintindihan daw ni Luis ang nararamdaman niya at sinuportahan ang kanyang desisyon. Nais niya raw sanang magbalik na lang sa pag-aaral that time.

“Pero iba rin si God, eh, parang iba rin ’yung time frame Niya. ’Pag feeling mo, walang-wala na lahat, bigla na lang darating ’yung ganito kalaking blessing. So, ’andito ako ngayon,” sey ni Jessy.

Ngayon ay okay na siya. Sa pamamagitan ng pelikulang The Girl in the Orange Dress, nabalik ang passion niya sa pag-arte kaya for now, wala na muna sa plano niya ang mag-quit sa showbiz.

First MMFF movie ito ni Jessy at first time niya ring makasama si Echo, first lead role pa, kaya sobrang happy at excited siya.