Jessy papayag makasamang muli si JM kung papayag si Luis

December 06, 2018
Jessy Mendiola
Jessy Mendiola

KUNG natutuwa si JM De Guzman para sa kanyang ex-girlfriend na si Jessy Mendiola at nobyo nito ngayon na si Luis Manzano, happy rin si Jessy for JM dahil sa tuluy-tuloy na magandang takbo ng career nito ngayon.

Sa taong ito ng 2018 ay nakagawa si JM ng isang panghapong teleserye, ang “Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi” kung saan niya nakabituin si Barbie Imperial at pelikulang “Kung Paano Siya Nawala” with Rhian Ramos.

Sa pagpasok ng 2019 ay may dalawa siyang bagong project na pagkakaabalahan, ang romance-comedy movie  na “The Last Fool Show” na pinagtatambalan nila ng kanyang schoolmate sa University of the Philippines na si Arci Muñoz na siya rin niyang makakabituin sa bagong TV series sa Kapamilya Network kasama ang singer-actress-beauty queen na si Alyssa Muhlach.  At may iba pang movie projects na naka-line-up para sa kanya sa 2019.

Sa press conference ng “Kung Paano Siya Nawala” ay tahasang inamin ni JM na willing siyang makatrabahong muli ang kanyang ex-girlfriend na si Jessy Mendiola.  Nang tanungin naman si Jessy sa presscon ng kanyang MMFF movie na “The Girl in the Orange Dress” na pinagtatambalan nila ni Jericho Rosales ay tinanong din ang actress kung bukas ba siya sa posibilidad na muling makatrabaho ang dating nobyo, sumang-ayon naman siya pero malamang daw na konsultahin muna niya ang nobyo niyang si Luis Manzano.