Jestoni, inspirasyon ng anak sa pagsabak sa showbiz

May 23, 2020
Angela Alarcon & Jestoni Alarcon

Hindi kataka-takang hilig din ni Angela Alarcon ang pag-aartista dahil namana niya ito sa kanyang amang si Jestoni Alarcon.

Pagbabahagi ni Angela sa latest Cover Stories ng GMA News Online, “Pop culture became an inspiration to me kasi I really admire a lot of actors and seeing them in front of the screen, it inspired me to really try acting.

“Everyone watches you and everyone has high expectations. But it's also something that pushed me to really come out of my comfort zone to really be the best version of myself and to push harder to achieve my goals in life,” dagdag pa niya.

Bago sumabak sa show business, nagtapos ang GMA Artist Center talent sa University of the Philippines Diliman na may kursong Speech Communication.

Proud daddy naman si Jestoni sa kanyang anak.

“Natutuwa ako dahil ang promise niya kasi, 'Dad, gusto ko mag-enter ng showbiz after my graduation. Timing naman after graduation nakuha naman siya ng GMA Artist Center, so very thankful naman kami sa GMA makakapag-concentrate na siya.

Ito gusto niya, happy siya!” kuwento ng Kapuso actor.