Jimmy Bondoc nagpaliwanag

May 29, 2019

UNCHECKED power. Ito ang ipinagdidiinan ng singer na si Jimmy Bondoc na ngayon ay vice president for Corporate Social Responsibility Group ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), tungkol sa sunud-sunod niyang posts tungkol sa “biggest TV network” na ikasisiya niyang makita na magsara.

Kahit wala naman daw siyang binabanggit na pangalan, napakarami nang nag-react tungkol dito.

Pero sabi nga ng marami, alam ng lahat na malapit siya sa Pangulong Rodrigo Duterte at ilang beses na ring nabanggit ng Pangulo ang tungkol sa franchise permit ng isang network na magtatapos sa 2020.

Marami ang nag-react, mostly violently accusing the singer na "walang utang na loob." For a while kasi, napanood din ito sa naturang istasyon. Pero ang usapan ay napunta sa ibang isyu tulad ng contest fixing, sexual harassment at iba pa.

Sa isang radio interview, sinabi ni Jimmy na “It is just really a very simple concept. It is unchecked power. Yun lang po."

Hindi kami magtataka kung may mga netizen naman ang magbalik ng concern sa ilang itinalaga ng Pangulo sa mga posisyon na may mga katanungan tungkol sa kanilang kakayahan at katapatan sa sinumpaang tungkulin.

Kahit saan may mga ganitong concern tungkol sa unchecked power. At dito nga nagsisimula ang salitang kilalang-kilala ng ng mga Filipino: corruption.