Jimmy sinusundan ang yapak ni Mocha

May 30, 2019

"I AM so excited to see the biggest TV network close down."

'Yan ang wish ni Jimmy Bondoc sa isang TV network, ayon na rin sa kanyang Facebook post. Obviously, the network referred to in his post is ABS-CBN, which he named later on. Kaya naman inalmahan ito ng mga artista at empleyado ng Kapamilya network. Its broadcast franchise will expire in 2020.  At haharangin daw ang renewal nito ni Pangulong Duterte dahil sa diumano'y pambubulsa ng pera at 'di pag-ere ng kanyang ads noong National Elections 2016.

Samantala, inihambing ng singer ang network sa isang snake pit. He also mentioned that success gained in the network is "based on politics and sexual favors." May katotohanan man o wala, hindi tamang hangarin ang pagsasara ng isang kumpanya dahil unang-unang maapektuhan ay ang mga maliliit na empleyado at mga pamilya nilang umaasa sa kanila. Sabi ng iba, nagpapatunay ito kung gaano siya kamatapobre; palibhasa galing sa mayamang pamilya. Mukhang 'di niya naisaulo at naisapuso ang turo ng mga Jesuits. Sabi nga ng isang kaibigan kong Atenista, "he's a shame to the Atenean community."

Mukhang malalim ang kanyang pinanghuhugutan kung bakit gusto niyang makitang magsara ang network na nagbigay din ng maraming oportunidad sa kanyang singing career. Siya na mismo ang nagsabi na korte na ang magde-decide sa kasong ito "and the grant or extension of (its) permit is the government's prerogative." Kung gayun, bakit nagiging personal ang atake niya laban sa network?

On a personal note, the network has imperfections. Pero naging professional at maayos ang pakikipagtrabaho namin sa kanila. Sa katunayan, ilan sa mga dati kong talent (bilang manager) ang nabigyan ng break sa Kapamilya network. Gaya na lamang ng resigned-Mutya ng Pilipinas Asia-Pacific 2007 Zara Aldana na naging PBB Celebrity Edition 2 housemate noong 2007 at si Queenie Padilla na bumida sa telerseryeng Momay noong 2010. Kaya naman malaki ang pasasalamat ko sa network. And ABS-CBN has really proven throughout the years that it is in the service of the Filipino worldwide.

Sa pag-iingay na ito ng singer, si Jimmy na ba ang kapalit ni Mocha sa pag-atake sa mga kaaway ni Pangulong Duterte? Just asking...

Disclaimer:

For comments and reactions, text or call 0908-603-2179 or email us at justasking_pj@yahoo.com