Jimuel may basbas ni Pacman para sundan siya

February 12, 2019
Emmanuel Pacquiao, Jr.
Emmanuel Pacquiao, Jr.

MA-REPLICATE kaya ng panganay na anak ni People’s Champ Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel (Emmanuel Pacquiao, Jr.) ang naabot ng kanyang ama sa larangan ng boksing?

Binigyan na ni Pacman ang kanyang eldest son na pasukin na rin ang larangan ng pagbu-boxing matapos itong humingi ng permiso.

At 18, mahilig sa iba’t ibang sports si Jimuel at kasama na rito ang paglalaro ng basketball at boxing at may hilig din siya sa musika at pagmu-model. Katunayan, si Jimuel ay isa sa mga modelo ng Bench.  Nakapag-train na rin siya sa Wild Card Boxing Club ni Freddie Roach sa Los Angeles, California.

Sa isang boxing match in school, napabagsak ni Jimuel ang kanyang nakalabang schoolmate kaya tiyak na proud sa kanya ang kanyang mga magulang na sina Sen. Manny at Jinkee Pacquiao maging ang kanyang younger siblings na sina Michael, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth at Israel.

Since malapit nang mag-retire si Pacman sa kanyang boxing career, mukhang sisimulan naman ni Jimuel ang kanyang sariling karera sa pagbu-boksing.