Jinggoy balik-pelikula

January 25, 2020

TAONG 2008 nang huling mapanood sa pelikula ang actor-politician na si Jinggoy Estrada sa “Magkaibigan” mula sa panulat at direksiyon ni Jose Javier Reyes at pinagsamahan nila ng award-winning veteran actor na si Christopher de Leon with Maricel Laxa.

Since pahinga muna sa pulitika si Jinggoy, balik-pelikula siya sa pamamagitan ng family drama na “Coming Home” na pagtatambalan nila for the very first time ni Sylvia Sanchez.  Makakasama rin sa nasabing pelikula ang beauty queen-turned TV host-actress na si Ariella ‘Ara’ Arida, ang half-brother ni Jinggoy na si Jake Ejercito at anak niyang si Julian Estrada kasama sina Martin del Rosario, Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica, Smokey Manaloto at Almira Muhlach.

Since matagal nang hindi gumagawa ng pelikula si Jinggoy, ang pakiramdam niya ay parang nagsisimula na naman siya.

Ang “Coming Home” ay nakatakdang isali sa kauna-unanang Metro Manila Summer Film Festival from April 11 t0 21, 2020

Maganda rin siguro kung magsasama sa isang pelikula ang magkumpare ang mag-best friends na sina Jinggoy at Sen. Bong Revilla at isali na rin nila si Phillip Salvador.