Jinggoy at Bong through thick and thin

December 08, 2018
Jinggoy Estrada & Bong Revilla

SANGGANG-dikit talaga ang magkumpare at best buddies, ang  dating mga senador na sina Jinggoy Estrada at Bong Revilla  `through thick and thin’ dahil sinamahan ni Jinggoy si Bong last Friday morning, December 7, 2018 nang ibaba ang hatol ng Sandiganbayan na nagpawalang-sala sa huli.

Sina Jinggoy at Bong along with others accused na may kinalaman sa `pork barrel scam’ ay na-detain sa custodial center ng Camp Crame  pero unang nakalaya si Jinggoy nung September 16, 2017 habang si Bong ay nitong nakaraang Biyernes (Decembr 7, 2018) lamang.

Mahigit tatlong taong nakulong si Jinggoy at apat na taon at halos anim na buwan naman si Bong.

Tuwang-tuwa si Jinggoy dahil pareho na silang malaya para mangampanya for the senatorial bid sa May 2019 mid-term elections kung saan muli silang tatakbo sa pagka-senador.

Although naunang nakalabas si Jinggoy kay Bong, hindi nagpabaya ang una sa huli dahil regular pa rin niya itong dinadalaw nung  nasa loob pa ng Camp Crame Custodial Center si Bong.  Ganoon kasi ang kanilang pagkakaibigan kahit nung nabubuhay pa ang namayapang action star na si Rudy Fernandez.

Isa sa mga immediate plans ni Bong sa kanyang paglaya ay pumasok sa loob ng simbahan para magpasalamat sa Diyos, bisitahin ang puntod ng namayapa niyang ina si Azucena Mortel-Bautista at puntahan ang kanyang 91-year-old ailing dad, ang veteran actor-producer at dati ring senador na si Ramon Revilla, Sr. sa mansion nito sa Bacoor, Cavite kung saan mayor ang misis ni Bong na si Lani Mercado (Jesusa Victoria Hernandez-Bautista).  Matagal na panahong hindi nakita at nayakap ni Bong ang kanyang mahal na ama at hindi umano napiligilan ng mag-ama ang maiyak sa muli nilang pagkikita at maihahalintulad sa eksena ng pelikula ang kanilang muling pagtatagpo.