Jinri ikinasal for the second time

March 25, 2020

PHILIPPINE-based South Korean TV host, columnist, actress,  and former radio DJ and ex-PBB housemate Jinri Park met her Australian-based Filipino husband, John (family name withheld ) in Sydney, Australia where they got married for the second time last Saturday, March 21 in the presence of John’s family.  Una silang ikinasal last December sa hometown ni Jinri in South Korea na dinaluhan naman ng family ni Jinri, her parents na sina Choi Dong-suk at Park Chan-eui at kapatid na si Park Mi-so.

The couple’s Manila wedding has been reset to a much later date dahil sa umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon sanhi ng pagkalat ng coronavirus (COVID-19).

Umaasa si Jinri na sana’y tuluyan nang mawala ang coronavirus nang matuloy na ang kanilang big wedding ni John  in Manila kung saan niya inaasahang maisusuot ang kanyang wedding gown  at maihahatid siya sa altar ng kanyang ama.  

Ang Pilipinas ay kinu-consider niyang second home and although Australian citizen ang mister niya ay Filipino ang dugo nito.

Hindi pa malinaw kung sa Australia na rin magbi-base sina Jinri at John kung saan naka-base ang huli.