Jinri nag-waitress para makapag-aral sa Australia

July 06, 2020

SOUTH Korean ex-PBB housemate, former DJ, magazine columnist and actress in the Philippines Jinri Park (32) is starting a new life in Sydney, Australia matapos niyang magpakasal sa kanyang Filipino-Australian husband named John.

Sa Sydney, Australia sila nagkakilala.

Dalawang beses nagpakasal ang couple. Una sa South Korea na sinundan ng isa pa in Sydney last December.  Balak pa sana ng dalawa na magkaroon ng malaking wedding ceremony in the Philippines to be attended by their respective families and friends, pero hindi na ito natuloy dahil sa Covid-19 pandemic.

Dahil sa lockdown, nanatili ang mag-asawa sa Australia at dito na-realize ni Jinri na hindi siya puwedeng maging idle lamang sa bahay.  At dito niya inisip ang maghanap ng trabaho at bumalik sa pag-aaral.  To finance her studies, namasukan si Jinri bilang trainee waitress sa isang restaurant in Sydney kung saan marami siyang nakilalang Filipino.

Although pure Korean si Jinri, she loves the Philippines which she considers her second home.