JK Labajos, may sariling mundo

December 01, 2018

HIT ngayon ang kantang "Buwan" ni Juan Karlos Labajos.

Ito talaga ang isang kanta na sumikat hindi dahil sa publicity kundi dahil sa nagustuhan talaga ng mga music lover. Sa katunayan, dumarami na ang nagku-cover nito sa social media; kaya patuloy ang pagpatok nito. Malaking tulong din ang pag-trending ng kanyang music video kasama ang kanyang rumored girlfriend na si Maureen Wroblewitz.

Homegrown ng ABS-CBN talent itong si JK na naging finalist sa first-ever The Voice Kids. Pero mukhang walang suportang ibinibigay ang network sa kanya. Hindi na nga siya visible sa TV ngayon. Marahil dahil siya ay recording artist ng MCA. Huling project niya sa Kapamilya ay ang teleseryeng "A Love to Last." Pero balitang may attitude daw ang young singer kaya hindi siya binibigyan ng exposure. "Lost soul" nga ang tawag sa kanya ng isang kasamahan sa panulat.

Kamakailan lang naging mainit na usapin ang diumano'y pagtawag niya kay Darren Espanto ng gay. Akusa nga ng mga fans ni Darren, inggit lang daw siya dahil wala siyang career 'di gaya ng kanilang idol; na marami ng napatunayan. Hanggang ngayon, 'di pa rin matapus-tapos ang iringan ng dalawa sa social media.

Sinadya nga ba ni JK ang diumano'y pagtawag ng gay kay Darren para pag-usapan siya? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj @yahoo.com.