JK, mas sisikat matapos magmura -- Ogie

March 10, 2019
Ogie Alcasid & Ina Raymundo

Bilang presidente ng OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit), nahingan ng reaksyon si Ogie Alcasid sa pocket interview last Friday tungkol sa talk of the town na pagmumura ni JK Labajo sa isang fan sa Rakrakan Music Festival last March 1.

Ayon kay Ogie, naiintindihan naman niya si JK bilang bata pa ito at hindi pa kayang kontrolin ang emosyon.

“You know, I feel for JK, he’s a young guy, you know, when you’re overwhelmed with your emotions...

“I mean, come on, who doesn’t make mistakes, ’di ba? I mean, eh, siyempre, inaatat din ’yun ng tao, ’di ba?” ani Ogie.

Dagdag niya, “Sayang, sana, hindi nangyari ’yun, but I feel for him.”

Hindi pa raw niya nami-meet si JK at hindi pa sila  nagkakasama man lang sa iisang stage pero kinakanta raw niya ang mga kanta nito.

“I don’t know him personally, but I love his music,” he said.

Asked kung ano ang advice niya kay JK sakaling makausap niya ito bilang presidente ng OPM, ani Ogie, “Sasabihin ko sa kanya, ‘pare, cool ka lang, ganu’n talaga ’yun, eh. ’Wag kang papaapekto, tutal, mas maraming nagmamahal sa ’yo kesa hindi. I’m sure, gusto ka rin naman ng fan na ’yun, nang-aatat lang.’ O baka nakainom ’yung fan,” sey ni Ogie.

Naniniwala rin ang bida ng pelikulang Kuya Wes na hindi makakaapekto ang insidenteng ito sa career ni JK at bagkus, lalo pa raw sisikat ang singer.

Samantala, masayang-masaya naman si Ogie sa pagkakapanalo ng leading lady niya sa Kuya Wes na si Ina Raymundo bilang best actress sa katatapos na 39th Fantasporto-Oporto International Film Festival sa Portugal kung saan ay dumalo siya kasama ang direktor na si James Robin Mayo.

Sayang nga raw at hindi nakasama si Ina sa Portugal at pati nga naman daw sila ay hindi na rin naka-attend ng awarding.

Nalaman na lang nila na nanalo ang leading lady nang nakauwi na sila.

Nang pumunta raw sila roon ay wala silang expectations or anything.

Pero aside from the award, very happy si Ogie sa magagandang review ng Portuguese press sa kanilang pelikula.

Sa Kuya Wes ay kakaibang Ogie ang mapapanood na showing na sa mga sinehan sa March 13.

Ang pagkakapanalo raw nila at ang magandang feedback mula sa mga nakapanood na ay isang napakalaking inspirasyon sa kanya.

Gusto pa raw niyang gumawa ng maraming pelikula kung mabibigyan siya ng oportunidad.