JM itinangging nililigawan si Ria

August 05, 2019
JM de Guzman

MALAPIT nang ipalabas sa ere ang “Pamilya Ko” (dating “Kapalaran”) isang family-drama series na tatampukan nina JM de Guzman, Arci Muñoz, Sylvia Sanchez at Joey Marquez na pinamamahalaan ni Raymund Ocampo.  Kasama rin sa cast sina Irma Adlawan, Alyssa Muhlach, Raikko Mateo, Mutya Orquia. Jaiurus Aquino, Kira Balinger, Maris Racal, Kiko Estrada, Kid Yambao, Perla Bautista at Rosanna Roces.

Samantala, sa isang panayam ay sinabi ni JM na walang problema sa kanya na muling makatrabaho ang kanyang “Araw Gabi” co-star na si Barbie Imperial kahit nagkaroon sila ng problema sa isa’t isa.

Si Barbie ang unang nagsabi na willing siyang makatrabahong muli si JM.

Samantala, itinanggi ni JM na nililigawan niya ang kaibigang si Ria Atayde na ang inang si Sylvia ay kasama niya sa "Pamilya Ko."