Jobert handang patawarin si Morissette

November 10, 2019
Morisette Amon

AKSIDENTE kaming nagkita ng veteran actress and concert producer na si Daisy Romualdez sa Greenhills Shopping Center in San Juan last Thursday afternoon at ito ang nagbalita sa amin sa ginawang pagwu-walk out ng singer na si Morissette Amon sa birthday concert ng isa sa mga talents ng entertainment writer-radio host and talent manager na si Jobert Sucaldito na si Kiel Alo sa Music Museum last Wednesday (November 7) evening billed as “Ako Naman”.  Si Jobert din ang producer ng nasabing concert.

Galit na galit umano si Daisy maging si Annabelle Rama at ang iba pang nasa audience sa ginawa ni Morisette.  Marami pala sa audience ang bumili ng tickets dahil gusto nilang mapanood ang dating “The Voice – Philippines” (Season 1) graduate kaya disappointed ang mga ito sa ginawang pagwu-walk-out ng magaling na singer.  Pero mas lalong disappointed ang singer na si Kiel at ang producer ng concert na si Jobert na siyang napahiya sa ginawa ni Morisette.

Last Thursday evening, pinanood namin sa teleradyo ng DZMM ang programa nina Jobert at Papa Ahwel Paz, ang “Showbuzz” kung saan ibinuhos ni Jobert ang kanyang disappointment over Morisette at hindi nito napigilan ang pag-iyak dahil napahiya siya at ang kanyang talent na si Kiel sa ginawa ng singer.

Ayon kay Jobert, sana man lamang daw ay lumabas si Morisette sa stage at nag-apologize kung hindi ito makakanta dahil naroon na siya sa backstage para nakita man lamang ng mga tao sa audience.

Ang pakiramdam nina Jobert ay na-shortchange ang mga bumili ng tickets sa ginawang pagba-back out ng Kapamilya singer.

Pero sa kabila ng ginawa ni Morissette, bukas at nakahanda pa rin si Jobert na tanggapin ang paliwanag ni singer sakaling lumapit at magpaliwag ito sa kanya. Ang inaasahang galit mula kay Jobert na kilala sa pagiging palaban ay hindi namin  nakita dahil sa kanyang pagmamahal kay Morissette (na itinuturing niyang anak-anakan)  na naglagay sa kanya at sa talent niyang si Kiel sa matinding kahihiyan.