Jodi, Bela in riveting, psychological tale

July 10, 2019
Bela Padilla

SINO ang May Sala? (Mea Culpa) seems to be not picking up in the rating game.

The Kapamilya teleserye is topbilled by Jodi Sta. Maria and Bella Padilla with stellar support cast. But despite its star power, it is hardly talked about. Maging sa social media hindi ito mainit na pinag-uusapan. Kahit confrontation scenes nina Fina (Jodi) at Juris (Bella) hindi rin pinagpipiyestahan. Para sa amin, very unsual na low engagement ang mga netizen sa mga ganitong eksena sa isang Kapamilya teleserye. Lalo na't magaling ang network sa pagpapa-viral ng kanilang programa. Dahil alam nila ang kiliti ng mga netizen.

To be fair, the plot of the story is well-thought-out making it riveting. Mahusay din ang buong cast. Kaya nakakapagtaka kung bakit hindi siya kinakapitan ng viewers. Nalalaliman yata ang viewers sa ganitong tema. Sa totoo lang, mahirap talaga kapitan ang isang character na maraming psychological layers. Hirap nga naman pairalin ang logical thinking sa panonood ng teleserye lalo na't nagpapahinga na ang karamihan sa timeslot nito. Sadyang nakaka-stress nga naman 'yun.

Matatapos ang teleserye na hindi man lang umingay gaya ng ingay na nilikha ng Kadenang Ginto. Unfair naman na isisi ito sa cast. Pero kung hindi sina Jodi at Bella ang lead stars nito, mas papatok at iingay kaya ito sa rating at sa social media? Just asking...

Disclaimer:

For comments/reactions contact 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@ yahoo.com.