Jodi nakakabilib ang kakaibang set up ng pamilya

November 24, 2018
Jodi Sta. Maria, Iwa Moto, Mimi and Thirdy Lacson
Jodi Sta. Maria, Iwa Moto, Mimi and Thirdy Lacson

NAKABIBILIB ang ilang showbiz couples sa pagkakaroon ng kakaibang set up ng pamilya.

Bukod kina Ogie Alcasid at Regine Velasquez na close na close sa ex ni Ogie na si dating Miss Ausralia Michelle van Eimeren kung kanino siya may dalawang anak, ganito rin halos ang nangyari kay Jodi Sta. Maria sa dating asawa na si Pampi Lacson at kasalukuyang partner nito na si Iwa Moto.

Patunay rito ang Instagram post ni Jodi kung saan makikita ang picture kung saan kasama niya si Iwa, pati ang kanyang anak na si Thirdy at anak ni Iwa na si Mimi.

"Every family has a story. Ours isn’t a perfect one but through God’s grace, what was once broken is made whole again," nakasaad sa post ni Jodi.

At dahil nga si Iwa na ang partner ni Pampi, itinuring siya ni Jodi na katuwang sa pagpalaki sa kanyang nag-iisang anak na si Thirdy. Natural lamang na makasama ni Thirdy ang kanyang stepmom (?) kaya mas mabuti ang ganitong setup na maayos ang lahat.

"Some may find it weird or awkward, but for us, we are simply a FAMILY who respects each other and works as a team towards one goal: to LOVE and SUPPORT our children," ayon pa kay Jodi.

Si Jodi na rin ang gumawa ng paraan upang maging mabuting kaibigan niya si Iwa.