Jodi open sa bagong relationship

May 21, 2019
Jodi Sta.Maria
Jodi Sta.Maria

TULAD ni Bea Alonzo, aminado si Jodi Sta. Maria na crush niya noon si Jericho Rosales at gusto niya ang tambalan nila dati ni Kristine Hermosa. Ayon sa 36-year-old actress, ganoon na lamang ang tuwa niya nang mapasama siya sa TV drama series na “Pangako sa `Yo” bilang  si Lia Buenavista, ang nakababatang kapatid ni Echo. Para kay Jodi ay dream come true ito.  

Ayon pa kay Jodi, isa sa mga rason kung bakit siya nag-audition noon sa Star Circle Batch 7 ay para makita lang nang personal sina Jericho at Kristine at iba pang talents ng ABS-CBN.

At nang maging artista na siya, masaya si Jodi kahit ang naibibigay sa kanya ay supporting roles. Treinta anyos na siya nang mabigyan ng break bilang isang lead actress sa pamamagitan ng hit morning TV series na “Be Careful with My Heart” na pinagtambalan nila ng breakthrough actor na si Richard Yap.

Late bloomer bilang lead actress si Jodi, at ito'y pagkatapos pa ng tatlong failed relationships with actor Baron Geisler (na ikakasal na sa kanyang psychologist-GF), ang ex-husband niyang si Panfilo `Pampi’ Lacson, Jr. (na may anak na rin sa karelasyong si Iwa Moto) at ang actor at Cavite vice-governor na si Jolo Revilla (na balitang nag-propose na rin sa bagong beauty queen-GF). Hindi naman daw ito nangangahulugan na hindi na siya magmamahal muli, pero sa ngayon ay naka-focus ang attention ni Jodi sa kanyang 14-year-old son na si Panfilo `Thirdy’ Lacson III. At mas may panahon pa siya sa sarili, gayundin sa kanyang pag-aaral na naisasabay niya sa kanyang showbiz career at maging sa kanyang pagiging entrepreneur.

Si Jodi ay kasalukuyang napapanood sa primetime TV series na “Sino ang May Sala (Mea Culpa)” at sa upcoming horror flick ng Blacksheep Productions, ang “Clarita” na dinirek ni Derick Cabrido at kung saan din tampok sina Ricky Davao at Aaron Villaflor.