Joel Cruz may mga bagong anak sa Russian surrogate mom

December 15, 2018
Joel Cruz
Joel Cruz

MARAMING childless couples ang naiinggit sa perfume mogul na si Joel Cruz dahil sa pagkakaroon nito ng walong anak (tatlo rito ay twins) sa pamamagitan ng surrogacy in Russia kung saan legal ang nasabing proseso.

Sa taong ito ng 2018 ay nagkaroon ng dalawa pang karagdagang anak si Joel bukod sa kanyang naunang tatlong twins (6 kids). Last June ay isinilang ang kanyang pampitong anak na si Zeid at nito lamang November 8 ay lumabas naman ang kanyang pang-walong anak na si Ziv.  Anim na taong gulang na ang first twins ng successful businessman, sina Prince Sean at Princess Synne na isinilang nung September 2012.  Three years old naman ang kanyang second twins na sina Prince Harry at Prince Harvey at more than one-year-old naman ang kanyang third twins na sina Charles at Charlotte at five months apart naman ang kanyang dalawang bunso na sina Zeid t Ziv.

Tikom ang bibig ni Joel kung hihinto na siya sa walong anak (six boys and two girls) o dadagdagan pa niya ang mga ito.

Sa isang panayam, sinabi ni Joel na sa kanyang mga anak niya ipapamahala at iiwan ang kanyang mga itinatag na negosyo tulad ng Aficionado Germany Perfume, Joel Cruz Signatures, AFSS-Aficionado Apparel at iba pa.

Ang dalawang Russian surrogate mothers (sa pamamagitan ng invitro fertilization)  ng mga anak ni Joel ay sina Lilia at Oselia.

Base sa aming nakalap na impormasyon, naglalaro umano sa $26,000 to $30,000 ang bayad sa isang surrogate mother labas pa rito ang gastusin sa proseso, medical attention  at iba pang incidentals.