Joel Cruz reveals secrets

September 19, 2019
Joel Cruz
Joel Cruz with his 8 children

TINANONG namin ang tinaguriang ‘Lord of Scents’, a father of eight kids and a multi-millionaire businessman na si Joel Cruz sa kanyang stand on SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity Expression) Bill at supportive umano siya rito.

Nirerespeto ni Joel ang same sex marriage sa ibang bansa (dahil hindi ito acknowledged sa Pilipinas) at iba pang mga karapatan ng LGBT.

Ayaw din ni Joel na magkaroon ng feeling of rejection ang mga LGBT tulad ng naging case ng transwoman na si Gretchen Diez na pinagbawalang gumamit ng CR ng babae.

Nakausap namin si Joel nang ito’y aming pasyalan sa kanyang ancestral three-storey mansion in Sampa-loc, Manila, ang Chateau de Milagros, named after his 91-year-old mother last Wednesday afternoon.

“Ang mga gays, lesbians, bi or trans ay mga tao ring dapat tratuhin at respetuhin  as such,” pahayag ni Joel.

Joel has eight children (tatlo rito ay twins) from a common surrogate mother in Russia  kung saan legal ang prosesong ito. He also disclosed to us na kung nanaisin niyang madagdagan pa ang kanyang mga anak, meron pa umanong anim na fertilized embryo ang naka-bank pero hindi umano nangangahulugan na ang anim na ito ay lahat mabubuo.

“Malay mo na kapag four years old na ang bunso ko ay gusto ko ulit magkaroon ng baby,” aniya.

Aminado si Joel na ang kanyang walong anak ang kanyang inspirasyon na lalong magpursige sa kanyang buhay at mga itinayong negosyo.

Ang three-storey mansion ni Joel ay may sariling elevator at kadikit dito ang kanyang tanggapan na meron ding tatlong palapag at matatagpuan sa third floor ang kanyang executive office.

“Kung kaya rin lang, I hold meetings in my office para malapit ako sa mga anak ko.  Yung mga nasa school na, pagdating nila ng bahay dumadaan sila sa office ko.  I make time to play with them and spend time with them despite my busy schedule.  Pag Saturday and Sunday naman, kami talaga ang magkakasama.  Sometimes nasa Baguio kami o di kaya sa Tagaytay.  Six times a year naman we go out of the country, yun ang bonding time namin,” patuloy ni Joel.

Joel has beautiful mansions in Baguio City and Tagaytay City na madalas ding narerentahan for tapings and shootings for movies and TV series or for other special events.  Meron din siyang biniling dalawang commercial buildings in America na lahat occupied ng tenants bukod pa ang mga ito sa iba pa niyang properties na naipundar.

Joel is a very generous person.  Bukod sa napakarami niyang staff na tinatrato niyang mga kapamilya, he has his own Joel Cruz Foundation na siya namang tumutulong sa mga elderly at mga bata at sumusuporta rin siya sa iba’t ibang charitable institutions.

“God has been good to me kaya sini-share ko rin ang mga blessings ko hindi lamang sa pamilya at staff ko kundi pati na rin sa iba,” susog pa niya.

“Hindi naman lalago ang mga negosyo ko kundi rin sa tulong ng matatapat kong mga empleyado.  Kaya most of them are still with me for almost 20 years na rin.  I also give inccentives to them,” aniya.

Napakasuwerte rin ng mga nanny ng walong anak ni Joel (actually 13 sila lahat) dahil kasa-kasama sila sa mga lugar (including trips  abroad) na pinupuntahan ni Joel na kasama ang kanyang walong anak.

“Lahat ng nannies ng mga anak ko ay may kani-kanyang day-off including my other household staff including drivers and security staff,” patuloy pa niya.

Ang pagiging isang successful businessman ni Joey ay minana niya sa kanyang parents.  Ang kanyang ama ay may trucking business noon habang ang kanyang ina ay nagpapa-rent ng mga tables and chairs sa mga parties and various events kaya lahat silang pitong magkakapatid ay nakapagtapos sa kanilang pag-aaral including Joel na nagtapos ng BS-Psychology sa University of Santo Tomas.

“Actually, my mom wanted me to become a doctor kaya pre-med course ko ang BS Psychology pero hindi ko `yun natupad kasi na-enganyo na ako sa pagbi-business after I graduated from college,” kuwento niya.

As a young boy, na-witness umano niya ang business ng kanyang parents.  May mga times na nagsi-service sila sa Forbes Park in Makati kung saan nakikita niya ang malalaki at magagarang bahay.  Doon pa lamang ay nagsimula na umano siyang mangarap na balang araw ay magkakaroon din umano siya ng magandang bahay.

“Sobra akong mangarap noon.  I dreamt big.  Araw-araw, kalahati ng baon ko ay sini-save ko para may pera ako pansimula ng sarili kong business. I was in college ay bumibiyahe ako ng Hong Kong at namimili ng mga items na ibinebenta ko sa mga kaklase ko at mga friends at kakilala ko.  I was enjoying what I was doing.  Then nang magkaroon na ako ng puhunan, nagsimula ako ng isang maliit na garment business na lumago.  We started supplying items sa iba’t ibang department stores pero nang maging rampant ang mga items from China and Bangkok sa Pilipinas, unti-unting humina ang mga garment factories sa Pilipinas at pati yung business ko ay naapektuhan kaya nagsara,” malungkot niyang kuwento.

Isa namang kaibigan ni Joel ang naging daan niya para pasukin ang perfume line business, ang Aficionado in 1999 na nagsimula lamang umano sa maliit hanggang ito’y lumago at makapagpatayo na siya ng sarili niyang factory in Bulacan.

Marami na ring kilalang celebrities ang naging brand ambassador ng Aficionado at kasama na rito sina Gary Valenciano, Charice Pempengco now Jake Zyrus, Sarah Geronimo and now, Vice Ganda.

Bukod sa Pilipinas, marami na rin ang distributors ng Aficionado sa iba’t ibang bansa.  Bukod sa perfume line, Aficionado has diversified into other business lines including clothing line, restaurant, rubbing alcohol and electronics.

Samantala, nananalangin si Joel na patuloy siyang gabayan ng Diyos sa kanyang mga gawain at sana’y humaba pa umano ang kanyang buhay dahil gusto niyang abutan ang paglaki, pag-aasawa hanggang sa kanyang pagkakaroon ng mga apo sa walong anak na sina Prince Sean and Princess Synne (7), Prince Harry and Prince Harvey (4), Charles and Charlotte (2) , Zaid  (1 year and 3 months) and Ziv (turning 1 on November 6).

“Ang mga anak ko ang dahilan kung bakit ako nagpupursige sa buhay,” aniya.

Sa kabila ng rangya na tinatamasa ni Joel and his children, he makes it a point to make them responsible.

“The grown ups ay marunong na silang mag-ayos ng kanilang higaan pati maghugas ng pinggan at magligpit ng kanilang mga toys after they play.  I also teach them to learn how to value money and be respectful to others,” pagtatapos ni Joel sa aming tsikahan.