Joey may anak nang abogada

July 04, 2020
Atty. Jowee Ann Marquez
Atty. Jowee Ann Marquez

MAY isa nang anak na abogada ang actor-comedian at dating politician na si Joey Marquez.

Si Atty. Jowee Ann Marquez ay isa sa dalawang anak ni Joey sa dating actress-turned businesswoman na si Brenda del Rio.   Ang isa pang anak nila ay si Zia, dating Star Magic talent.

Si Jowee Ann ay isa sa 3,747 bar passers nung 2016.

Samantala, may apat na anak naman si Joey sa actress at dating konsehal ng Paranaque na si Alma Moreno – sina Yeoj, Winwyn, Vito at Venessa. Iba naman ang ina ni Jeremy Marquez.

Bukod sa abogada, may  anak ding naging beauty queen si Joey,  si Winwyn Marquez, ang kauna-unahang Filipina beauty na nanalo ng 2017 Reina Hispanomericana na ginanap sa Sta. Cruz, Bolivia.

Joey sired 16 children sa iba’t ibang babae pero pantay-pantay umano ang pagtingin nito sa mga ito and he makes it a point na magkakakilala at magkaka-close silang magkakapatid.

Joey is known to be a ladies’ man.

Si Joey ay huling napanood sa afternoon TV series na “Pamilya Ko” na inabutan ng Covid 19 pandemic at pagpapasara sa ABS-CBN ng National Telecommunications Commission (NTC).