John Lloyd, Bea magkasama noong Valentine's Day

February 16, 2020
John Lloyd Cruz & Bea Alonzo
Bea Alonzo and John Lloyd Cruz send out 'kilig' vibes on Valentine's Day.

ANG perennial screen partners na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang magkasama nung Valentine’s Day dahil silang dalawa ang naimbitahan sa live script reading  ng pelikulang “That Thing Called Tadhana” na tinampukan sa pelikula nina Angelica Panganiban at JM de Guzman at mula sa panulat at direksiyon ni Antoinette Jadaone na present sa nasabing event ng Art Fair Philippines 2020. 

Ito’y ginanap sa Tower One in Ayala Avenue, Makati City nung araw mismo ng mga puso.  Ito bale ang isa sa mga rare public appearance ng actor matapos itong mag-leave of absence sa showbiz ng mahigit dalawang taon para bigyang laya ang kanyang relasyon sa kanyang ex-girlfriend na ngayon na si Ellen Adarna kung kanino siya may isang anak, ang almost two years old na si Elias Modestro.

Parehong loveless ngayon sina John Lloyd at Bea, ano kaya’t silang dalawa na lamang?

Hiwalay na pareho sina John Lloyd at Bea sa kanilang respective ex-partners na sina Ellen Adarna at Gerald Anderson.

Ang tambalan nina John Lloyd at Bea ay isa sa maituturing na pinaka-successful team-up both sa telebisyon at pelikula.

Samantala, nangangamoy balik-tambalan sina JLC at Bea sa isang bagong pelikula under Star Cinema na malamang last movie na ng blockbuster lady director na si Cathy Garcia-Molina bago ito mag-migrate sa New Zealand with her family.