John Lloyd ’di na mukhang artista

May 19, 2019
John Lloyd Cruz

NAGKITA-KITA sina Toni Gonzaga, Bayani Agbayani at iba pang naimbitahang showbiz celebrities sa May 7 dinner sa Malacañang Palace ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan din dumalo ang original lead actor ng “Home Sweetie Home” na si John Lloyd Cruz.

Ayon kay Bayani ay nagkamustahan umano sila ni Lloydie na nakita niyang mukhang masaya sa kanyang buhay away from showbiz.  Pero naniniwala pa rin si Bayani na balang araw ay babalik pa rin sa showbiz si John Lloyd pero walang nakakaalam kung kelan ito mangyayari kundi ang actor mismo.

Ayon kay Bayani, magiging masaya ang marami kung ito’ybabalik sa “Home Sweetie Home: Extra Sweet” o kung hindi man ay mag-guest man lamang sa programa.

Sa totoo lang, ibang-iba na ang look ngayon ni John Lloyd dahil hindi na siya mukhang artista.