John Lloyd at Ellen may pinagkakasunduan

July 01, 2020
John Lloyd Cruz
John Lloyd Cruz and son Elias Modesto

MUKHANG unti-unti na ring nagiging bukas ang dating magkasintahang John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa pagsi-share ng photos ng kanilang anak na si Elias Modesto who turned two last Saturday, June 27.  May picture na karga ni Ellen ang anak gayundin si John Lloyd.

Parehong present sina John Lloyd at Ellen sa simpleng birthday family gathering para sa second birthday ng anak.

Pagdating sa two-year old na si Elias, walang duda that the uncouple are co-parenting their son and the actor is now based in Cebu, Ellen’s hometown  para malapit sa kanyang anak.