John Lloyd at Ellen nagkabalikan

August 31, 2019
John Lloyd at Ellen Adarna

ISANG malapit kay John Lloyd Cruz ang nagsabi sa amin na nagkabalikan umano ang aktor at ang partner nito of almost two years na si Ellen Adarna.

Halatang nagkausap nang masinsinan ang mag-partner dahil nakitang nagpagupit na si John Lloyd at nag-ahit ng kanyang balbas.  Hindi na siya mukhang ermitanyo ngayon.

Sinabi rin ng aming source na hindi umano pinipigilan  ni John Lloyd si Ellen na magbalik-showbiz kung nanaisin nito pero ang gusto ng fans ni John Lloyd ay siya mismo ang bumalik  dahil mas marami ang nag-aabang sa kanyang muling pagbabalik.

Hindi marahil natiis ni John Lloyd ang anak nila ni Ellen na si Elias Modesto kaya ito nakipagbalikan sa kanyang partner.