John Lloyd, Ellen still enjoying the life away from showbiz

November 18, 2018
Ellen Adarna & John Lloyd Cruz

MUKHANG ini-enjoy ng on leave couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ang kanilang privacy away from the cameras magmula nang humingi ng indefinite leave of absence si JLC sa kanyang home studio, ang ABS-CBN kasama ang co-star niya sa old “Home Sweetie Home.”

Kahit mga kilala pa rin silang celebrities, they try to maintain a simple and normal life kasama ang kanilang almost five months old son na si Elias Modesto na isinilang sa Cebu City nung nakaraang June 27, 2018.

Nakita minsan si JLC na sumakay sa isang pampasaherong jeepney, sa isang grocery at maging sa pagbili ng street food at pagbili ng prutas sa gilid ng isang kalye, mga bagay na hindi niya ginawa noong siya’y busy pa bilang aktor.

It’s been more than a year magmula nang humingi si JLC ng leave of absence sa kanyang home studio at walang nakakaalam kung babalikan pa nila ni Ellen ang  showbiz na naging maganda ang pagtanggap sa kanila laluna kay JLC who started in showbiz when he was in his teens pa lang.

While prerogative nina JLC at Ellen ang kanilang simple at pribadong buhay ngayon, marami naman ang nanghihinayang sa dalawa laluna na kay JLC na isa sa mga prime lead actors ng bansa.

Only they know kung  babalikan pa nila ang showbiz o hindi na.