John Lloyd, Ellen two years nang nawawala

May 02, 2019
Ellen Adarna & John Lloyd Cruz

COME October ay magda-dalawang taon nang wala sa showbiz ang mag-partner na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na mas nagi-enjoy ngayon sa kanilang pribadong buhay kasama ang kanilang 10-month-old son na si Elias Modesto who is turning one-year-old sa darating na June 27.

Marami ang natuwa including his colleagues from showbiz nang gumawa si JLC ng isang online commercial ng isang produkto dahil naniniwala sila na ito’y indikasyon umano sa pagbabalik-showbiz ng pamosong actor.

Although ibang-iba na ang itsura ngayon ni John Lloyd na mas pinapaboran ang simpleng buhay, siguradong may puwang pa rin para sa kanya ang industriyang naging maamo sa kanya at kung saan siya nagsimula at nakilala hindi lamang bilang isang  mahusay na actor at sikat na personalidad  kundi bilang isang in-demand celebrity endorser.

Ang mahusay na box office director na si Cathy Garcia-Molina ay naghihintay lamang sa muling pagbabalik ni John Lloyd bago niya tuluyang talikuran ang pagdidirek para naman harapin ang kanyang personal na buhay kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.