Home>Entertainment>Showbiz>John Lloyd namamalagi sa Cebu dahil sa anak

John Lloyd namamalagi sa Cebu dahil sa anak

John Lloyd Cruz

SA araw na ito ng Sabado, June 27 ay second birthday ng anak ng dating magkasintahang John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na si Elias Modesto kaya siguradong may birthday celebration para sa bata.

Sa kabila ng paghihiwalay ng dating mag-partner, they are co-parenting Elias and the actor decided to base himself sa hometown ng dating kasintahan para malapit lang siya sa anak. He can even speak the local dialect (Cebuano) now. He even considers himself like a local Cebuano now.

Three days apart lamang ang birthday ng mag-amang John Lloyd at Elias.  The actor turned 37 last June 24 at ka-birthday niya ang dating kasintahang si Ruffa Gutierrez.

John Lloyd’s ex-girlfriend Ellen Adarna has confirmed that she is in long distance relationship with a Spanish guy na si Carlos Lemus na may ilang buwan na ring hindi nagkikita dahil sa Covid-19 pandemic.

Ang followers naman ng loveteam nina John Lloyd at Bea ay umaasa na sana’y ang dalawa na ang magkatuluyan lalupa’t pareho silang single ngayon at nanatiling close na magkaibigan.

Matapos makita ang dalawa last February 14, 2020 sa live script reading ng hit movie na “That Thing Called Tadhana” na pinagbidahan nina Angelica Panganiban at JM de Guzman mula sa panulat at direksiyon ni Antoinette Jadaone na ginanap sa isang art fair in Makati City, natuwa ang kanilang fans nang malaman nila na may reunion movie project ang dalawa, ang “Love Team” na sinulat at dinirek din ni Antoinette.

May reunion project din si John Lloyd with his ex-girlfriend Shaina Magdayao, ang “Servando Magdamag” na pinamahalaan ni Lav Diaz.

Kapag nag-normalize na ang lahat pagkatapos ng pandemya, umaasa ang fans ni John Lloyd na tuluy-tuloy na ang pagiging aktibo nito sa acting na halos tatlong taon din niyang tinalikuran.

Samantala, isa si Bea sa bumati kay John Lloyd sa kanyang 27th birthday last June 24.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger