John Lloyd pinakikiusapan ni Direk Cathy na magbalik-pelikula

June 07, 2019
John Lloyd Cruz

ANG  June 24 ay feast day ni John The Baptist kaya fiesta ng San Juan City  at Araw ng Maynila.  Ito rin ang kaarawan ng dating magkasintahang John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez.

Ruffa is turning 45 habang si John Lloyd naman ay magti-thirty six sa araw na ’yon.  Three days later, on June 27 ay magi-isang taon naman ang firstborn ng mag-partner na John Lloyd at Ellen Adarna na si Elias Modesto na isinilang sa hometown ni Ellen in Cebu City nung June 27, 2018.

At sa October 2019 ay magda-dalawang taon nang tumalikod sa showbiz sina John Lloyd at Ellen na humingi ng ‘indefinite leave of absence’ from showbiz in October 2017 para mamuhay nang simple at tahimik na mukha namang ini-enjoy ng dalawa with their son.

Sa takbo ng mga pangyayari, mukhang wala sa immediate plans ni John Lloyd at ng kanyang partner na si Ellen na bumalik sa showbiz anytime soon.

Kamakailan lamang ay nakita si John Lloyd ng kanyang mga kasamahan at kaibigan sa industriya nang sila’y maimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang social dinner sa Malacanang.  Ito’y nasundan sa rare bonding moments ng magkaibigang Beauty Gonzales at Ellen kasama sa isang beach  kasama ang kanilang respective partners na sina Norman Crisologo at John Lloyd maging ang kanilang mga anak na sina Olivia (nina Beauty at Norman) at Elias Modesto (nina John Lloyd at Ellen).

Samantala, pagbigyan kaya ni John Lloyd ang hiling ng isa sa kanyang mga paboritong director na si Cathy Garcia-Molina na muli siyang maidirek bago man lamang siya (Direk Cathy) mag-quit bilang director sa taong ito?

Si John Lloyd ay siyang pinakapaboritong actor ni Direk Cathy.

Umaasa pa rin ang mga fans and supporters ni John Lloyd na sana’y huwag nitong tuluyang talikuran ang showbiz na naging maamo sa kanya.