John magiging tatay na naman

June 01, 2020
John Prats and Isabel Oli
John Prats and Isabel Oli with kids

ACTOR, dancer, director and entrepreneur John Prats (36) and actress wife, Isabel Oli (38) are expecting their third baby next month (July) at baby girl ang kanilang magiging pangatlong anak.

The couple who celebrated their 5th wedding anniversary last May 16 are eagerly anticipating sa paglabas ng kanilang pangatlong baby.  Ang kanilang panganay na si Lily Feather turned four last April 18 habang ang kanilang second child na si Daniel Freedom ay magtu-two years old na on November 26.

Si John ay panganay sa limang magkakapatid.  Sumunod sa kanya ang actress-TV host na si Camille Prats na meron na ring tatlong anak.  Their other three siblings include Naomi, Carlo at Raffy Prats.  Ang kanilang parents na sina Daniel Rafael `Dondi’ at Alma Prats ay patuloy pa ring nakagabay sa kanilang magkakapatid kahit may kani-kanyang pamilya na ang iba sa kanila.

Bukod sa pagiging actor-dancer, si John ay isa ring director (TV & stage) at isa ring entrepreneur.  Bukod sa kanilang family business, si John ay nagtayo ng sarili niyang printing company in 2010, ang Dynamite Pixographics, Inc. at nung 2017 ay magkakasama naman nilang itinatag ng kanyang mga kaibigang sina Sam Milby at Angelica Panganiban ang Bright Bulb Productions.

Sina Sam at Angelica ay dalawa sa closest friends ni John sa industriya.

Bago ang lockdown, si John ay regular na napapanood sa longest-running action drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” at ang weekly gag show na “Banana Saundae”.

Si John ay nagtapos ng Business Management sa Thames International Business School.