John naiba ang takbo ng buhay dahil sa pag-aasawa

August 20, 2019
John Prats

MAHIGIT apat na taon nang may asawa ang Kapamilya actor and concert director na si John Prats matapos itong ikasal sa actress na si Isabel Oli nung May 16, 2015 sa resort na pag-aari ng pamilya Prats, ang Nayomi Sanctuary Resort in Balete, Batangas kung saan din ikinasal ang nakababatang kapatid ni John, ang actress-TV host at entrepreneur na si Camille Prats sa second husband nitong si VJ Yambao.

Ang mag-asawang John at Isabel ay may dalawa nang anak, ang kanilang three-year-old daughter na si Lilly Feather at ang bunso naman ay ang almost 10-month old son na si Daniel Freedom.

Aminado si John na nag-iba umano ang kanyang pananaw sa buhay nang magkaroon siya ng sarili niyang pamilya at dito niya lubos na naunawaan kung bakit masipag pareho ang kanyang parents para sa kanilang magkakapatid.