John pinaiyak ni Sharon

April 24, 2019
John Arcilla
John Arcilla

DREAM-come-true para kay John Arcilla na makatrabaho si Megastar Sharon Cuneta sa first horror flick nito na Kuwaresma, directed by Erik Matti.

Not even in his wildest dreams ay sumagi sa isipan ni John na darating ang panahon na makakapareha niya sa movie si Sharon, na idolo niya.

Biro nga ni John kay Sharon sa presscon ng Kuwaresma, hindi raw siya pwedeng leading man ni Sharon dahil di siya guwapo na siyang katangian ng karamihan ng mga naging leading man ni Sharon.

Nanood pa siya ng concert ni Sharon sa Alex Theater sa Glendale, California kamakailan lamang at di ma explain ni John kung bakit siya naiyak. "It was an experience to see Sharon in a concert. Ibang klase ang performance niya," sabi pa ni John.

Naging friends sina John at Sharon while doing the film. And both of them hope na sana muli silang magkasama sa isang proyekto.

Malaking karangalan para kay John na makasama sa isang malaking proyekto si Sharon. Plus factor din na reunion nila ni Direk Erik Matti itong Kuwaresma after they worked in On The Job.